Mas pinaigting pa ang contact tracing sa bayan ng Taytay sa pamamagitan ng kanilang Trail contact tracing app.
Na-integrate na rin ang nasabing app sa ValTrace, Antipolo Bantay Covid-19, MandaTrack, at PasigPass.
Batay sa nilagdaang network consortium agreement ng Taytay LGU, maaari na ring gamitin ang quick response o QR codes sa apat pang kalapit na lungsod.
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga establisimyento sa bansa ay nagpapatupad ng “no QR code, no entry” policy.