Kabilang sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Maj. Maximo Young sa halos dalawang daang beterano mula sa Philippine Expeditionary Force to Korea o PEFTOK na buhay pa hanggang sa kasalukuyan.
Sina Ramos at Young ay kasama rin sa mga nakatanggap ng prestihiyosong “Taegeuk Medal” o Medal of Valor na siyang pinakamataas na military award sa South Korea para sa mga magigiting na sundalong sumabak sa giyera.
Tinanggap ng mga beterano ang kanilang parangal noong Biyernes kasabay ng 71st anniversary ng Korean War kung saan sinalakay ng mga puwersa ng China at North Korean ang SoKor.