May nakaamba na namang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa mga sources sa industriya, nasa P1.05 hanggang P1.10 ang magiging dagdag sa presyo sa gasolina hanggang P0.60 hanggang P0.70 naman sa diesel at kerosene.
Ang isa sa mga itinuturong dahilan ng oil price hikes ay ang patuloy na paghina ng palitan ng piso kontra dolyar habang umaakyat ang demand o pangangailangan ng langis sa Europa, China, at Estados Unidos.