Isang panalo na lang ay pasok na ang Phoenix Suns sa NBA finals.
Ito’y makaraang masungkit ng Suns ang 84-80 victory laban sa Los Angeles Clippers sa Game 4 ng kanilang serye sa Western Conference finals.
Si Devin Booker ang nanguna sa Suns matapos kumamada ng 25 points habang nagdagdag si Deandre Ayton ng 19 points.
Samantala, si Chris Paul na kababalik lang sa laro ay tumipa ng 18 points at at pitong assists.