Sumirit na sa 12,234 ang COVID-19 recoveries sa hanay ng mga Pinoy sa labas ng bansa kasunod ng paggaling ng anim pang pasyente.
Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), pumalo na sa 20,747 ang total confirmed cases doon dahil sa labing-anim na bagong kaso.
Nananatili naman sa 1,227 ang death toll dahil walang nadagdag sa nasabing bilang nitong nakalipas na pitong araw.
Sa kasalukuyang, nasa 4,523 Filipinos ang nagpapagaling sa Middle East/Africa region, 1,699 sa Asia Pacific, 949 sa Europe, at 115 sa Estados Unidos.