Pinalaya na ng Saudi Arabia ang dalawang prominenteng women’s rights activists matapos ang tatlong taong pagkakakulong.
Ayon sa ALQST for Human Rights, nabuno na ng mga human rights defenders na sina Samar Badawi at Nassima al-Sadah ang sentensya laban sa kanila.
Sina Badawi at al-Sadah ay naaresto noong Agosto 2018 bilang bahagi ng crackdown ng Saudi government laban sa mga aktibista.