Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Public Utility Vehicles (PUVs) na ihinto ang pagpapababa ng mga pasahero sa linya ng bisikleta at pedestrian.
Ayon sa LTFRB, kailangan bigyan prayoridad ng mga PUVs ang mga sasakyan kabilang ang mga naglalakad, nagbibisikleta at ilang transportasyon.
Sa ilalim ng memorandum circular 2021-042, sinabi ng LTFRB na ipinagbabawal ang mga PUV na tumawid, huminto, mag-load at ng mga pasahero kasama ang mga nakalaang linya ng bisikleta at pedestrian.
Ipinaalala rin sa mga driver ng PUV na buksan ang mga pintuan nang may pag-iingat, suriin ang mga blind spot at igalang ang linya ng mga nagbibisikleta sa mga interseksyon.
Sinabi ng LTFRB, ang naturang memorandum na nilagdaan noong 22 ng Hunyo ay naglalayong i-promote ang paglalakad at pagbibisikleta sa panahon ng pandemiya.
Samantala, sinabi ng LTFRB na kung sino man ang hindi susunod sa naturang panuntunan ay papatawan ng kaparusahan.