Kontra si Vice President Leni Robredo sa panukala ng Pangulong Rodrigo Duterte na pag-a armas sa civilian organizations bilang tulong sa mga pulis.
Ayon kay Robredo delikado at malaki ang tsansang maabuso ang nasabing hakbangin tulad nang nangyari nuong mga nakalipas na panahon.
Sinabi ni Robredo na maraming paraan naman para maresolba ang isang problema na hindi idinadaan sa pagdadala ng mga armas.