Aabot na sa mahigit 33K ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police o PNP sa buong bansa.
Batay iyan sa datos na inilabas ni Administrative Support to COVID 19 Operations Task Force o ASCOTF Commander at Deputy Chief PNP for Administration P/LtGen. Joselito Vera Cruz.
Ayon kay Cruz, nasa 26,378 Pulis ang naturukan na ng Sinovac; 4,612 ang naturukan ng Astrazeneca; 116 naman sa Sputnik-V; 2,221 sa Pfizer; 18 sa Moderna; 3 sa Janssen at 6 sa Sinopharm.
Mula sa nabanggit na bilang ani Vera Cruz, nasa 30,016 sa mga ito ang fully vaccinated na kontra COVID 19 subalit kaunti pa rin ang bilang na ito mula sa kabuuang 220,000 sa hanay ng Pulisya.
Sa panig naman ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, sinabi niyang naghihintay pa rin sila ng mga bakunang inilaan ng Department of Health o DOH para sa kanila.
Ngayon aniyang marami nang dumarating na suplay ng bakuna, kumpiyansa si Eleazar na mabibigyan na sila ng bagong suplay at maipagpapatuloy ang pagbabakuna para sa mga nsa A4 priority category sa kanilang hanay.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)