Naniniwala si Pasig City Mayor Vico Sotto na sa pamamagitan ng “Word of Mouth” ay nahihikayat ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19.
Ani Sotto, ito ang naiisip niyang pinaka mainam na paraan para makumbinsi ang mga tao na magpabakuna.
Nahihikayat kasi aniya ang tao kapag mayroon silang kakilalang nabakunahan na.
Sa kasalukuyan ay umaabot sa anim na libong indibidwal kada araw ang nababakunahan sa lungsod lalo’t kung sapat ang suplay ng bakuna.