Nakatakdang mabakanuhan kontra COVID-19 ang nasa pitong libong manggagawa sa sektor ng turismo.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, magsisimula ang pagbabakuna bukas, Hunyo 30 hanggang Hulyo.
Gagawin aniya ito sa seaside tropical garden ng waterfront insular hotel pavilion.
Dagdag ni Puyat, isang malinaw na katunayan na epektibo ang national vaccination program ng pamahalaan ngayong low-risk area na ang NCR plus.
Kaya naman umaasa umano siyang ganito rin ang magiging kahihinatnan ng Davao City.