Hindi nagpasok ng plea o tugon sa paratang si Rappler CEO Maria Ressa at reporter na si RAMBO TALABONG sa arraignment ng isang korte sa maynila ngayong araw.
Ito’y kaugnay sa kasong cyber libel na isinampa ni Arnel Pineda, dating propesor ng College of St . Benilde.
Nag-ugat ang kaso sa isang artikulong inilathala ng rappler na isinulat ni talabong nuong Enero 23, 2020 kaugnay sa sinasabing “thesis for sale”.
Sa pagbasa ng sakdal ng Manila Regional Trial Court branch 24, bagama’t parehas na naroon mismo si Ressa at talabong, hindi nagpasok ng plea ang mga ito kaya’t ang korte na ang nagpasok ng “not guilty plea” para sa kanila.
Kapwa nakatanggap sila Ressa at talabong ng arrest warrant at nakapag piyansa naman para sa pansamantalang kalayaan.
Ito na ang ika-10 arrest warrant ni ressa habang una naman para kay Talabong.