Pumalo sa mahigit 4K ang naitalang panibagong kaso ng mga indibidwal na dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa inalabas na datos ng Department of Health (DOH), naitala ang 4,479 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 1, 408, 058.
Sa nasabing bilang nasa 50,037 o 3.6 porsyento ang aktibong kaso.
6,471 naman ang naidagdag sa bilang ng mga naka-recover sa virus, kaya’t 1, 333, 464 na ang bilang nito.
24,557 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos itong madagdagan ng 101.