Inaasahang tataas ang demand sa bigas ngayong 2021 hanggang sa 2022.
Ito’y base sa inilabas na ulat ng Global Agricultural Information Network o GAIN , inaasahang aakyat sa 14.6 million metric tons (mmt) ang demand ng bigas bunsod ng mataas na produktong lokal o domestic output.
Paliwanag ng GAIN, mataas ang produksiyon ng bigas dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng populasyon ng bansa kasabay ng pag-akyat ng konsumpsyon ng mamamayan.
Mag-uumpisa ang Market Year (MY) sa buwan ng Hulyo at magtatapos naman sa buwan ng Hunyo sa susunod na taon.