Idineklara ng World Health Organization na malaria-free na ang China.
Ito’y matapos ang pitumpung taong pagsusumikap ng bansa para tuluyang mapuksa ang naturang sakit.
Kaugnay nito, binati ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang China sa tagumpay nitong mawakasan na ang malaria sa kanilang bansa.
Nuong 1940s, nakakapagtala ang bansa ng 30 milyong kaso ng naturang sakit kada taon.
Ngayon ay apat na sunod nang taon na walang naitatalang malaria sa China.
Kinakailangan na ang isang bansa ay tatlong sunod na taong walang naitatalang malaria bago ito maideklara ng WHO bilang malaria-free na bansa.