Pangalawa sa pinakamababa ang Pilipinas pagdating sa katatagan ng isang bansa sa pagharap sa COVID-19 pandemic.
Ito’y batay sa isang malawakang pag-aaral ng Bloomberg’s covid resilience ranking kung saan ang Pilipinas ay nasa ika-52 pwesto sa kabuuang 53 bansa.
Nakakuha ang Pilipinas ng iskor na 45.3 habang sinundan nito ng Argentina na may iskor na 37, ang pinaka mababa sa lahat ng bansa.
Ikinukunsidera sa nasabing pag-aaral ang porsyento ng populasyon na nabakunahan na, pagpapatupad ng mga lockdown, kapasidad ng mga byaheng panghimpapawid, one-month case fatality rate at total deaths sa kada 1 milyong katao at positivity rate.
Nanguna naman sa nasabing pag-aaral o nakakuha ng pinakamataas na resiliency rate na 76 ay ang Estados Unidos, sinundan ng New Zealand na may iskor na 73.7, Switzerland at Israel na mayroong 72.9 at France na may 72.8.