Umapela ng karagdagang pang-unawa ang Department of Health sa publiko hinggil sa mga healthcare workers at volunteer na tumutulong mapabilis ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Ito ang paki-usap ng Health Department kasunod ng viral video ngayon sa social media hinggil sa isang healthcare worker na hindi maayos ang ginawang pagtuturok ng heringgilla sa isang binabakunahan.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergiere, kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang usapin katuwang ang Centers for Health and Development gayundin ng lokal na pamahalaan kung saan nagmula ang viral video.
Una nang humingi ng paumanhin si Makati City Mayor Abigail Binay sa healthworker na tampok sa viral video matapos itong mag-sorry sa kaniyang pagkakamali na agad din namang naisaayos. —ulat mula kay Patrol 5 Aya Yupangco