Walang patid ang batikos ni Senador Manny Pacquiao sa korapsyon umano sa gobyerno.
Sa isang video mula sa facebook page na Leader News Philippines, tahasang ikinumpara ni Pacquiao ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ang nabanggit na video ang pinag-ugatan ng paghahamon ni Pangulong Duterte na tukuyin ng senador ang mga government agency na sangkot umano sa katiwalian.
“Noong panahon ni PNoy, congressman ako non kalaban ko siya kalaban ho ako sa dahil sa korapsyon yun mga tao niya kung ano syempre ayaw maki-ano doon pero sa totoo lang sa totoo lang ngayon talaga kung ano korapsyon sa past administration yung kay PNoy mas doble ngayon sobra hindi ko makakain yung ginagawa nitong mga ito.” Pahayag ni Sen. Pacquiao.
Sa isang hiwalay din na video na pinost kahapon sa Facebook Page na Manny Pacquiao Public Information, tinukoy ng mambabatas ang ilang problemang bumabalot sa pamahalaan.
“Maraming korapsyon iba’t-ibang mga ahensya ng gobyerno dapat ayusin please maawa tayo sa sambayanang Pilipino maawa tayo sa tao sa sarilling bahay natin sariling bahay natin ninanakawan natin ang mga tao naghihirap nagugutom kung wala kayong malasakit wala kayong pagmamahal sa ating mga kababayang naghihirap nagugutom kasi doon ako galing pangarap ko ang susunod na magiging leader ng bansa natin ito dapat ang gawin.” Bahagi pa rin ng pahayag ni Pacman
—sa panulat ni Drew Nacino