Halos 90% na ng mga teaching at non-teaching staff ng Department of Education o DEPED-Pasig City Division ang bakunado na kontra COVID-19.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, aabot na sa 4,015 mula sa 4,273 teaching at non-teaching members ang binakunahan.
Bukod pa anya ito sa mga DEPED personnel mula sa Central Office na matatagpuan sa Barangay Oranbo.
Binisita naman nina Sotto at Education Undersecretary Jesus Mateo ang vaccination site kung saan tinurukan ng second dose ang nasa 300 empleyado ng Central Office.
As of June 30, sumampa na sa 56,839 ang fully vaccinated sa Pasig City o 9.5 percent ng kabuuang target na 595,525 individuals. —sa panulat ni Drew Nacino