Dalawang bata ang patay habang isa pa ang nawawala matapos tumaob ang kanilang bangka sa ilog sa bayan ng Solana, Cagayan.
Ayon sa Solana Municipal Police Station, nagkayayaan ang apat na umano’y magpipinsan na pumunta sa ilog sa Barangay Natapian East para maligo.
Sumakay umano ng bangkang kahoy ang mga biktima subalit habang nagsasagwan ay biglang tumaob ito.
Nakaligtas naman ang batang lalaking marunong umanong lumangoy habang nalunod ang tatlo niyang kasama na pawang babae.
Narekober kahapon ang bangkay ng 9 anyos at 11 anyos na mga biktima habang patuloy na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard ang isa pang 11 anyos na biktima. —sa panulat ni Drew Nacino