Nanawagan ang Human Rights Watch (HRW) sa gobyerno na ibasura na ang planong pagbuo ng bagong militia kung saan aarmasan ang mga anti-crime civilian volunteers.
Ayon sa HRW, magreresulta lamang ito sa mas maraming pang-aabuso sa karapatang pantao.
Bahagi na umano ng kasaysayan ng bansa kung saan ang mga inaarmasang sibilyan o grupo ang siyang nagiging responsable sa mga extrajudicial killings, mga pagpapahirap at iba pang paglabag sa karapatang pantao ngunit naliligtas naman ang mga ito sa kaparusahan.
Kasabay nito, hinikayat ng HRW ang publiko na gawing mas maingay pa ang pagtutol sa planong ito ng administrasyon.