Matindi rin ang banta ng COVID-19 sa hanay ng Hudikatura.
Ayon sa Korte Suprema, maraming korte na sa bansa ang pansamantalang nag-sara bilang pag-iingat laban sa impeksiyon.
Kabilang sa mga pinakahuling nagsara ay ang Mati City Regional Trial Court Branch 5 sa Davao Oriental.
Pansamantalang sarado ang Mati City RTC Branch 5 hanggang July 6, 2021 upang bigyang daan ang malawakang disinfection sa nasabing korte.
Sarado rin muna ang Municipal Trial Court sa Isulan, Sultan Kudarat. —Ulat mula kay Patrol 13 Gilbert Perdez
Pero ayon sa Korte Suprema, bunsod ito ng ginagawang COVID-19 testing sa mga empleyado at opisyal ng nasabing hukuman.
Gayunman, sinabi ng Supreme Court na mananatiling physically closed ang nasabing korte hangga’t hindi negatibo ang resulta sa tests.
Inaasahan namang magbabalik operasyon na ang Isulan MTC July 12, 2021.