Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng LRT-2 East Extension Project, pinatutsadahan ni Pangulong Duterte ang boxing career ni Pacquiao na anya ay lumalamya na.
Kinuwestyon din ng punong ehekutibo ang tila “wrong timing” na akusasyon ni Pacquiao na lumala ang korapsyon sa gobyerno.
“Bakit ngayon ka lang nagsalita at bakit umatras ka roon sa boxing kasi alam mo kung matalo ka you are a gunner wala ka wala ka talaga, those are you’re inconsistencies in your career kaya intay kami kung sino ka pero I expect him to seat in Congress do not go anywhere and finished and find out corruption that you are talking about.” Pahayag ni Pangulo.
Hinamon din ng pangulo ang senador na simulan na nito sa kongreso ang imbestigasyon kaugnay sa katiwalian ng ilang ahensya ng pamahalaan partikular sa Department of Health.
“Eh kung mag-report ka lang isa dalawang buwan then I would say that you are a …. magtrabaho ka hiningi mo yan andyan yung mga papel start investigating do not go elsewhere comply first with your duty as a senator tapusin mo yan andyan yung mga papel eh huwag ka pa-absent absent.” Pagtatapos ng Pangulo.
–sa panulat ni Drew Nacino