Sapat sa pangangailangan ng publiko ang suplay ng kuryente hanggang sa mga susunod na linggo.
Ito’y ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, batay sa kanilang pagtaya sa demand sa kuryente kung saan hindi inaasahan ang mga alert notice tulad ng yellow at red alert.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, binigyang-diin ni Cusi na upang maga-rantiyahan pa ring hindi kukulangin ang suplay ng kuryente, kailangang tuparin ng National Grid Corporation of the Philippines ang pangako nito na gagawin nang firm contract o naka-kontrata ang reserba nitong kuryente.
Hindi aniya maaaring bahala na lang ang availability ng reserba kapag kinulang ang suplay ng kuryente.
Inulat naman ni Energy Regulatory Commission Chairperson Agnes Devanadera na noong Hunyo 18 ay nagpulong sila ng DOE at NGCP.
May napag-usapan na raw doon na ico-convert sa firm contract ang mga non-firm na reserbang kuryente ng NGCP.
—sa panulat ni Hyacinth Ludivico mula sa ulat ni Patrol 19 Cely Ortega-Bueno