Ipinagtanggol ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang kanilang gastos sa mga advertisement, public relations at entertainment.
Ito’y sa gitna ng pagkuwestyon ni Senador Risa Hontiveros kung ipinapasa ba ng NGCP ang nasabing gastos sa mga consumer.
Sa Senate Energy Committee hearing, isiniwalat ni Hontiveros na aabot sa P1.121-B ang ginastos ng NGCP sa advertisements, public relations, corporate social responsibility at entertainment sa taong 2017 at 2018.
Nanindigan si NGCP Spokesperson Cynthia Alabanzana lehitimo ang kanilang pag-gastos na umiiral na noon pang bago sila mag-take over noong 2009.
Hindi anya ito dapat haluan ng malisya lalo’t pawang educational at informative naman ang kanilang mga publication.
Bukod sa NGCP, ginisa rin ni Hontiveros ang Energy Regulatory Commission. —sa panulat ni Drew Nacino