Iniimbestigahan na ng Department of Health at Las Piñas City Local Government ang panibagong kaso ng palpak umanong pagbabakuna gaya ng nangyari sa Makati at Mandaluyong.
Kinuhanan ng video ng isang residente ang kanyang sarili habang nagpapaturok at napansing halos nasa dulo na ang syringe plunge na hawak ng nurse pero walang laman nang maitusok ang karayom sa braso.
Ayon sa residente, kulang ang itinurok sa kanyang first dose ng Covid-19 vaccine ng PFizer.
Aminado naman si Dr. Juliana Gonzales ng City Health Office na hindi nabigay ng health worker ang wastong dosage para sa residente.
Hindi anya maikakailang pagod na rin ang mga health worker sa dami ng binabakunahan kada araw kaya’t hindi maiwasan ang human error.
Tiniyak naman ni Gonzales na hindi na mauulit ang insidente at mababakunahan ulit ng Pfizer ang residente sa loob ng tatlong linggo. —sa panulat ni Drew Nacino