Epektibong panlaban sa mas nakakahawang Delta variant ang single shot ng COVID-19 vaccine na Johnson and Johnson.
Ayon sa kumpanya, napigilan ng antibodies at immune system cells na nasa dugo ng walong nabakunahan ng Johnson and Johnson ang Delta strain na unang nadiskubre sa India.
Parehas na resulta rin ang lumabas sa isinagawang pangalawang pag-aaral sa dalawampung pasyenteng nabakunahan sa Boston’s Beth Israel Medical Center.
Ang datos ay ipinadala na sa bioriv na isang free online site para sa unpublished scientific preprints.
Dahil dito, mas naging kongkreto ang pananaw ng Johnson and Johnson na nag-aalok ng mas epektibong proteksyon laban sa COVID-19 laban sa Delta variant