Ipinaubaya na ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction Management Council sa DILG o Department of the Interior and Local Government at lokal na pamahalaan ang pwersahang pagpapalikas sa iba pang mga residente sa ilang barangay sa Agoncillo at Laurel, Batangas.
Ito’y matapos maitala ang kakaunting bilang ng evacuees sa kabila ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sinabi ni NDRRMC Exec. Dir. Undersecretary Ricardo Jalad na dapat sumunod ang lahat sa rekomendasyon ng PHIVOLCS kaya’t mahalagang mahikayat at maipatupad ang forced evacuation sa mga residente.
Kaugnay nito, inalok na ng DEPED CALABARZON ang mga eskwelahan sa iba’t-ibang lugar sa Region 4A para gawing posibleng evacuation center kung lumala ang sitwasyon sa Taal. —ulat mula kay Patrol 9 Jaymark Dagala