Ibinasura ng Malakanyang ang mungkahing magtatag ang gobyerno ng isang departamento na nakatutok lamang para sa mga kalamidad.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte na mayroon ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council na gumagawa ng lahat ng koordinasyon at preparasyon sa tuwing may dumarating na kalamidad.
Bahala na aniya ang kongreso kung nais nilang gawing departamento ang pangangasiwa sa disaster preparedness at disaster response program ng pamahalaan.
Batay sa mungkahi, mas matutugunan umano ng gobyerno ang problema patungkol sa mga kalamidad kung mayroong hiwalay na departamento na tutuok dito.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)