Kinakailangang patawan ng mahigpit na parusa ang sinumang indibidwal na iligal na magbebenta ng bakuna kontra COVID-19.
Ito’y ayon kay Health Secretary Francisco Duque III dahil maaari aniya nitong makompromiso ang nagpapatuloy na vaccination program ng ating pamahalaan.
Giit pa ni Duque na sa hakbang na ito ay mababalewala ang hakbang ng pamahalaan na layong bigyang proteksyon ang bawat Pilipino laban sa banta ng virus.
Sa kabila nito, kinwestyon ni Duque ang tila pamamayagpag ng ganitong gawain at nagtataka rin ito na kung papaano at saan nila iniimbak ang mga bakuna gayung may required temperature ang mga ito para mapanatili ang bisa ng naturang bakuna.
Samantala, nagpaalala ang ahensya sa publiko na libreng makukuha ang mga bakuna kontra COVID-19 sa bansa at sinumang magbebenta nito ay maaaring kaharapin ang sinapit ng tatlong naarestong suspek na umano’y nagbebenta ng COVID-19 vaccine.