Hindi pababayaan ang pagtugon sa ibang kalamidad habang nakatutok sa Taal.
Ito ang tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Mark Timbal, tagapagsalita ng NDRRMC, tuloy tuloy ah pagmo-monitor nila sa sitwasyon sa mga lalawigan.
Dagdag ni Timbal, layunin ng ahensya na makapagpaabot agad ng tulong sa mga residente.
Sinabi pa ni Timbal na lalong bumigat ang kanilang trabaho dahil sa sunod-sunod na nangyayari sa bansa.
Samantala, sinisiguro ng ahensya na hindi maaapektuhan ang covid response dahil maraming ahensya ang kanilang kaagapay sa pagkilos sa pandemya.