Hindi mamadaliin ang clinical trial para sa mix and match ng mga COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ng Department of Health (DOH), makaraang aprubahan sa Germany ang pagtuturok ng AstraZeneca at Moderna vaccines bilang una at ikalawang dose.
Sinabi pa ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, inaabangan pa nila ang report ng manufacturers ng mga bakunang ginamit sa pag-aaral.
Aniya, ang inirerekomenda ng ilang eksperto ang mix and match ng mga bakunang may parehong platform.
Maliban dito, hinihintay pa ng DOH ang resulta ng malaking pag-aaral ng mix and match na nakatakdang ilabas sa ikatlong bahagi ng taon.
Maging ang mga datos tungkol sa pag-aaral ng bakuna sa mga bata.
Giit ni Vergeire, hindi aniya nakapaloob sa emergency use authorization ng mga bakuna sa pilipinas ang mix and match maging ang pagbabakuna sa mga menor de edad.