Bahagyang lumakas ang Tropical Depression Emong habang tinatahak ang hilaga ng West Philippine Sea ayon sa PAGASA.
Tinatayang huling namataan ang naturang bagyo 780 kilometro sa Silangan ng Virac, Catanduanes bandang alas-4 ng hapon ngayong linggo habang kumikilos ito sa 25 kilometro kada oras sa Hilaga-HilagangKanluran.
May lakas ng hangin ang bagyong Emong na aabot sa 55 kilometro kada oras at may pagbugso ng 70 kilometro kada oras batay sa weather bulletin ng PAGASA nitong alas-5 ng hapon.
Inaasahan namang mas lalakas pa ito sa susunod na 24 oras at maaaring dumaan sa Batanes-Babuyan Island bago tuluyang humina sa Martes.
Samantala, itinaas naman sa signal no. 1 ang mga sumusunod na lugar:
- Batanes
- Hilagang Silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) kabilang ang Babuyan Islands.