Nakapagtala ang Ilocos Norte ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado, Hulyo 3 simula nang magkaruon ng pandemya nuong isang taon.
Ayon sa Ilocos Norte Provincial Government nasa 94 new COVID-19 cases ang naitala sa lalawigan nitong sabado matapos mairehistro nuong Nobyembre 29 ang 92 cases na record high single day infections.
Ipinabatid ng provincial government na nasa 770 ang COVID-19 active cases nito kaya’t sumirit pa sa 3, 903 ang kabuuang bilang ng impeksyon.
Pinakamataas na nakapagtala ng COVID-19 cases sa lalawigan ang naitala sa Laoag City na nasa 193, Bangui – 164, Batac City – 79, Badoc – 78, San Nicolas – 74 at Pasuquin – 23.
Dalawang residente naman ang sumakabilang buhay dahil sa kumplikasyon sa COVID-19 nuong Sabado.
Ayon sa DOH ang lalawigan ng ilocos norte ay mayruong 89. 6% recovery rate at fatality rate na 1.3%.