Panahon na para umaksyon at masusing tingnan ng lehislatura ang pagkamatay ng maraming sundalo dahil sa tinatawag na flying coffins o widow makers ang mga aircraft ng militar.
Binigyang diin ito ni Senador Ronald Bato Dela Rosa dahil walang kasing halaga o priceless ang buhay ng mga sundalo kumpara sa kung uutang ang gobyerno para sa kinakailangang modernisasyon ng mga kagamitan ng AFP.
Samantala, sinabi ni Dela Rosa na hihintayin muna niya ang resulta ng imbestigasyon sa bumagsak ng C130 plane bago isisi ang trahedya sa mga antik o lumang military aircraft.