Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng LRT-2 sa mga pasaherong sasakay sa bagong istasyon, Marikina at Antipolo stations.
Ang naturang libreng sakay ay nagsimula kahapon at tatagal ng dalawang linggo o hanggang ika-18 ng Hulyo.
Sa inilabas na abiso ng LRT-2, kailangan lamang kumuha ng “free ride coupon” ng mga pasaherong sasakay sa Antipolo, Marikina hanggang Santolan sation.
Shuttle train ang bumabiyahe sa nasabing istasyon kung saan nakahiwalay ito sa mga tren na bumabiyahe mula katipunan ave hanggang Recto Avenue.
Sa ngayon, kaunti pa lamang ang mga pasahero na sumasakay sa Marikina station.
Samantala, mahigpit pa ring ipinapatupad ng pamunuan ang mga safety protocols kung saan kailangan magsuot ng face mask at face shield bago sumakay.