Umabot na sa mahigit 100 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling datos, nasa kabuuang 184, 573, 165 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Sa naturang bilang, Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming kaso ng nakamamatay na virus na aabot sa kabuuang 34, 592, 377.
Sinundan naman ng India na may 30, 585, 229 na nag-positibo sa pandemya.
Nasa 18, 769, 808 naman ang kaso sa Brazil habang 5, 786, 203 ang napaulat na kaso sa France.
3,993, 577 naman ang bilang ng mga namatay sa virus, habang 168, 921, 359 naman ang naka-rekober o gumaling na sa COVID-19 sa buong mundo.