Ikinasa na nina House Deputy Speaker, Brother Eddie Villanueva at Representative Domeng Rivera ng Cibac Partylist ang House Resolution 1913.
Layunin nitong imbestigahan ang nasa P9 bilyong pondong hindi nagamit sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2 na napaso noong June 30.
Ayon kay Villanueva, ang expiration ng hindi nagamit ng Bayanihan 2 ay nangangahulugan lamang na pinagkaitan ng tulong ang mga mamamayang nangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Dapat lamang anya nilang alaming mga mambabatas kung bakit hindi nagamit ang pondo at tukuyin kung nagkaroon ng kapalpakan o kapabayaan na nagresulta sa expiration ng naturang batas.
Kinatigan din ng dalawang kongresista ang panawagang magsagawa ng special session upang magpasa ng isa pang extension ng Bayanihan 2.
Kung maibabalik anila sa National Treasury bilang savings ang hindi nagamit na pondo, nanganganib itong magamit sa ibang programa sa halip na ipang-tulong sa mga naapektuhan ng pandemya. —sa panulat ni Drew Nacino