Asahan na ang malaking papel ng Pilipinas sa pagtatakda ng Global Labor Standards makaraang maluklok sa Chairmanship ng United Nations International Labor Organization o UNILO government group.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, mahalaga rin ang magiging tungkulin ng Pilipinas sa pagtulong sa ILO upang makamit ang patas at mas malayang partisipasyon ng maliliit at non-regular members sa pagtatakda ng mga polisiya at programa.
Si Bello ang magpa-preside sa government body sessions at international labor conference government group meetings.
Bilang head ng lupong kakatawan sa mga gobyerno, pangungunahan ng Pilipinas ang ILO. governing body, na nagko-convene tuwing Marso, Hunyo at Nobyembre.
Ang Pilipinas ang kauna-unahang non-regular member country na naluklok sa chairmanship ng ILO—sa panulat ni Drew Nacino