Wagi si Filipino Tennis Ace na si Alex Eala sa unang pagsabak sa Wimbledon sa girl’s singles first round match.
Natalo ni Eala ang 17 taong gulang na si Solana Sierra ng Argentina sa score 6-2, 6-4.
Unang round pa lamang ay hawak na ng number 2 seed at juniors number 3 ang kalamangan hanggang sa tuluyang mailayo at maipanalo nito ang laro.
Unang sumabak si Eala sa junior international roehampton kung saan nagtapos sa draw sa singles at doubles noong nakaraang linggo.
Samantala, sunod na makakaharap ni Eala sa second round ang 17 taong gulang na si Anne Mintegi del Olmo ng Spain.