Inirekomenda ng World Health Organization (WHO) ang mas maikling qurantine period para sa mga fully vaccinated na indibidwal.
Sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang mga fully vaccinated o nakatanggap na ng dalawang doses ng bakuna ay may mas maliit ng tiyansa na makahawa ng COVID-19.
Dahil dito, kanila aniyang inirerekomenda sa mga bansa na ikunsidera ang pagbawas o paikliin ang quarantine period ng mga naka kumpleto na ng bakuna.
Kaugnay nito, bukas naman ang who sa hakbang ng Pilipinas na “risk-based approach” kung saan ang mga byaherong mula sa mga bansang low COVID-19 risk ay maaari nang isailalim sa mas quarantine period na pitong araw mula sa dating 10 araw.