Nagumpisa nang magtaas ng presyo ang mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila, higit isang linggo bago ang All Souls day.
Sa ngayon, ang dating P250 na ordinaryong basket arrangement ng bulaklak ay umakyat na sa P300 at inaasahang aakyat pa sa P400 kapag dumagsa na ang mga tao sa Dangwa ilang araw bago mag undas.
Ang spring arrangement naman na P500 noon, P700 na ngayon. Habang ang one-side arrangement na nagkakahalaga lamang ng P600 ay ibinebenta na ngayon sa P700.
Mas mahal na rin ang wreath arrangement o yung bulaklak na kadalasan ay pabilog ang pagkakayos. Mula kasi sa presyo nitong 2,500 bago ang peak season, umakyat na ito sa halagang 2,700 pesos.
Payo naman ng mga nagtitinda ng bulaklak sa publiko, mas mainam na bumili ng bulaklak ngayon pa lamang dahil inaasahang mas tataas pa ang presyo ng mga ito simula sa Martes o Miyekrules.
By: Jonathan Andal