Lumutang ang posibleng tandem nina Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio at Manila City Mayor Fransisco “Isko Moreno” Domagoso sa Presidential at Vice-Presidential Elections sa 2022.
Ito ay makaraang bumuo muli ng alyansa ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Duterte-Carpio at National Unity Party (NUP) ni Moreno.
Ayon kay NUP Spokesman at Deputy Secretary-General for Political Affairs Reggie Velasco, inaasahan na nilang mapag-uusapan ang posibleng tandem sa pormal na pagsasanib-puwersa ng dalawang partido ngayong taon.
Hindi anya nila isinasantabi ang tambalan ng dalawang alkalde pero wala pa silang desisyon sa Presidential at Vice Presidential bets maging si Moreno ay hindi pa tiyak kung anong posisyon ang tatakbuhin. —sa panulat ni Drew Nacino