Nakapagtala ang Department of Health ng 4,114 bagong kaso ng COVID-19, kung kaya’t nasa 1,445,832 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nasabing sakit sa bansa.
Sa bilang ng nahawaan, 49,613 o 3.4% ang aktibong kaso.
90.8% sa active COVID-19 cases ang mild; 3.9% ang asymptomatic; 1.62% ang moderate; 2.2% ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Umabot naman sa 25, 296 ang total local death toll matapos itong madagdagan ng 104.
Ayon pa sa DOH, 6,086 ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,370,923 o 94.8% ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico