Tinukoy na ng Department Of Health ang beta variant bilang pinaka-karaniwang uri ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ang nabanggit na variant ay unang nadiskubre sa South Africa.
Ayon kay Health Secretary Fransisco Duque III, sa oras na madetect sa isang partikular na rehiyon ang beta variant, ito na ang nagiging pinaka-karaniwang lineage ng COVID-19.
Sinundan ito ng alpha variant na unang nadiskubre sa United Kingdom at theta variant o P3 na unang na-detect sa Pilipinas.
Beta variant naman B-1351 o yung dating kilalang South African linage ay siya na po an gang pinaka karaniwan ngayon na nakikita sa bio-surveillance umaabot po ng 21.2% nationally of all the specimens sequence, ito na po ang pinaka common na variant. Susunod po ang alpha variant o B11.7 nasa 18.5% samantalang ang ating gamma variant o P1 ay dalawang samples po ang natukoy dito, ″pahayag ni Franciso Duque III.—sa panulat ni Drew Nacino