Idineklarang health emergency ng gobernador ng New York sa Amerika ang gun violence.
Ito ang kauna-unahang estado ng Amerika na nagdeklara bilang disaster emergency order dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng karahasan gamit ang baril.
Ayon kay New York Governor Andrew Cuomo, nakaka-alarma na ang mahigit 50 insidente ng papamaril sa kanilang estado sa mga nakalipas na araw.
Sinabi ni Cuomo na nagkasa na sya ng halos $139 milyon para pondohan ang gun violence intervention at prevention programmes.
Una nang inihayag ng FBI na tumaas ng 25% ang kaso ng gun violence sa Amerika noong 2020.