Hinimok ng Department of the Interior and Local Government Unit (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na ihanay ang kanilang mga ordinansa sa polisiya ng gobyerno.
Ito’y kasunod ng pagluluwag sa travel requirements sa mga fully vaccinated na biyahero.
Ayon kay DILG Asst. Sec. Odilon Pasaraba, para hindi magkaroon ng kalituhan ang publiko mas mainam kung magiging isa ang polisiya ukol sa pag biyahe ng mga fully vaccinated na biyahero.
Ani Pasaraba, kung hindi alinsunod ang protocol ng lokal na pamahalaan sa itinakda ng IATF na panuntunan ukol sa vaccination cards o Interzonal Travel, magandang pag-aralan muli ito at amiyendahan ang lokal na polisiya.
Giit ni Pasaraba dapat nakabatay ito sa itinakda ng national rulemaking bodies tulad ng IATF.
Una rito, inihayag ng IATF na sa halip na negatibong resulta ng COVID-19 test, maaaring ipakita na lamang ang inoculation card o quarantine certificates ng mga fully vaccinated domestic tourists.