Pinayagan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang 42-day interval sa pagitan ng first at second dose ng Sputnik V COVID-19 vaccine.
Ayon kay FDA Chief Rolando Enrique Domingo, inihirit ng Gamaleya Institute na palawigin ang interval sa pagitan ng dalawang vaccine doses ng Sputnik ng 90 araw mula sa dating 21 araw.
Muli naman pinag aralan ng FDA ang hiling na ito ng Gamaleya matapos nilang magsumite ng karagdagang datos na susuporta sa kanilang hirit na dagdag na araw ng interval sa pagitan ng dalawang doses.
Ngunit sinabi ni Domingo na batay sa rekomendasyon ng vaccine expert ng bansa, 42-day interval lang ang pinapayagan.
Wala umanong problema kung sakaling maantala ang pagbibigay ng second dose ngunit kung ibibigay ito makalipas ng 42 araw, dapat ay magkaroon ng batayan na ito pa rin ay magiging epektibo.