Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila pagtatakpan at hindi pababayaan ang mga naitatalang kaso ng pagkamatay sa tuwing magkakasa ng anti-illegal drugs operations ang pulisya.
Ito ang inihayag ni Pnp Chief P/Gen. Guiillermo Eleazar bilang tugon sa alegasyon ng grupong Investigate-PH na pinagtatakpan, tinatakot at pinagbabantaan pa ng mga pulis ang pamilya ng kanilang mga napapatay sa operasyon.
Una rito, nagbanta ang grupo na nakatakda silang magsumite ng ulat sa ika-47 pagpupulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).
Binigyang diin pa ng PNP Chief na mananatiling bukas ang kanilang hanay sa anumang imbestigasyon hinggil sa mga alegasyon ng iregularidad at pang-aabuso sa gitna ng war on drugs ng administrasyon.