Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang ika-limang phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs, nangyari ito kaninang mag-aalas 12 ng tanghali kung saan, muling naglabas ng maitim at makapal na usok ang bunganga ng bulkan na may taas na dalawandaang metro.
Maliban dito, nakapagtala rin ang Phivolcs ng apat pang mahihinang pagputok ng bulkan simula pasado 5 hanggang pasado 9 kaninang umaga.
Dahil dito, sinabi ng Phivolcs na ang mga naitatala nilang aktibidad ay patunay na nag-aalburuto pa rin ang bulkan kaya’t mananatili sa level 3 ang alerto nito.